Food on wheels sa Aurora, umarangkada na

Sa mga nagsulputang mga Community pantry sa iba’t-ibang lugar sa bansa, ibang pamamaraan naman ang inilunsad sa Dipaculao, Aurora.

Ito ay tinawag na Barangayanihan Food bank on Wheels na pinangunahan ng Dipaculao-PNP.

Sa paraang ito hindi na mga mamamayan ang pupunta sa lugar kundi sila na ang pupuntahan.

Gamit ang tricycle na may laman na mga libre gulay, canned food at iba pa.

Pauline Marie Villamar, EBC Corres

Please follow and like us: