Foreign Affairs Sec. Enrique Manalo, nagpositibo sa COVID-19

Hindi makadadalo sa 55th ASEAN Foreign Ministers’ Meeting (AMM) and Related Meetings sa Phnom Penh, Cambodia si Foreign Affairs Sec. Enrique Manalo matapos na magpositibo sa COVID-19 noong Linggo.

Ayon kay Manalo, ito sana ang unang ASEAN meeting niya bilang kalihim ng DFA.

Nilinaw ni Manalo na hindi maaapektuhan nito ang partisipasyon ng Pilipinas sa AMM.

Si DFA Undersecretary for Bilateral Relations and ASEAN Affairs Ma. Theresa Lazaro aniya ang kakatawan sa Pilipinas sa pagpupulong sa Cambodia.

Sinabi ng kalihim na sa ngayon ay pagtutuunan muna niya ang recovery mula sa sakit para makabalik trabaho sa DFA sa lalong madaling panahon.

Moira Encina

Please follow and like us: