QC government, tiniyak ang kahandaan sa Monkeypox

Tiniyak ng Quezon city Government ang kanilang kahandaan sa Monkeypox.

Sa katunayan sinabi ni Quezon city Mayor Joy Belmonte , sumailalim sa orientation ng DOH ang mga doktor ,nurse at medical personnel mula sa mga pribado at pampublikong ospital maging ang mga health center ukol sa naturang virus.

Ayon pa sa alkalde bumuo ang  Quezon City Health Department (QCHD) ng mekanismo ukol  sa pag-iwas; early detection; pamamahala at paghihiwalay ng isang pinaghihinalaang may virus  at pagsubaybay sa mga makakasalamuha ng infected  na tao.

Upang itaas naman ang kamalayan ng publiko sa virus, ang Public Affairs and Information Services Department (PAISD) ng lungsod ay nagpo-post ng mga artcard at materyales ng impormasyon kung ano ang Monkeypox, kung paano ito naipapasa, ano ang mga sintomas nito, at kung paano ito maiiwasan.

Bukod dito, lahat ng mga ospital na pag-aari ng pamahalaang lungsod – tulad ng Quezon City General Hospital, Rosario Maclang Bautista General Hospital, at Novaliches District Hospital – ay nagtalaga na ng mga isolation room para sa suspected, probable, at confirmed cases ng Monkeypox.

Ang Quezon City Epidemiology Surveillance Unit (QCESU) ay nag-organisa din ng Quick Response Team para sa Monkeypox contact tracing response.

Tiniyak din nila na sapat ang personal protective equipment at iba pang logistical na pangangailangan para sa contact tracing.

Binigyang diin pa ni belmonte , gagawin nila ang lahat ng kaparaanan para hindi makapasok ang Monkeypox sa lungsod.

Please follow and like us: