Foreign Affairs Sec.Yasay nagisa sa hearing ng Commission on Appointments

Nagisa ng husto si Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay sa pagsalang nito sa makapangyarihang Commission on Appointments.

Hinarang ni Occidental Mindoro Representative  Josephine Sato ang kumpirmasyon ni Yasay dahil sa kanyang pagsisinungaling sa US citizenship.

Bakit aniya hindi maamin ni Yasay na naging US citizen siya  at nawala lang ito noong February 2017.

Bakit  gingamit pa nito ang isyu ng kaniyang  umano’y destabilization effort laban sa gobyerno.

Humingi naman ng paumanhin si Yasay kay Sato at mga miyembro ng Commission on Appointments.

Maaring hindi siya nagbigay ng kumpletong impormasyon sa kaniyang pagigingUS citizen pero hindi  siya nagsinungaling sa komite.

Agad namang nagpatawag ng executive session ang komite para magdesisyon sa isyu ng appointment ni Yasay.

Ulat ni : Mean Corvera

Please follow and like us: