Foreign Service Officer Exams, ipinagpaliban bunsod ng ‘Florita’

Hindi natuloy ang 2021/2022 Foreign Service Officer Examinations (FSOE) – Written Test dahil sa Bagyong Florita.

Orihinal na itinakda ang eksaminasyon mula August 24 hanggang August 26.

Sa abiso ng Department of Foreign Affairs (DFA), inilipat ang petsa ng pagsusulit sa August 25 hanggang August 27.

Nilinaw ng DFA na maliban sa petsa ay hindi nabago ang oras, lugar, at test guidelines ng foreign service exams.

Idaraos ang pagsusulit sa DFA sa Pasay City.

Ang mga examinee ay ang mga pumasa sa preliminary interview noong Hulyo.

Moira Encina

Please follow and like us: