Fresh market, ibinalik ng QC Government

Kasabay ng pagdiriwang ng World Food day, ibinalik ng Quezon City Government sa pamamagitan ng QC Small Business and Cooperatives Development Promotions office ang programang QC fresh market.

Matatagpuan ang QC fresh market sa QC Hall covered walkway.

Ayon sa City government, ang programa ay naglalayong tulungan ang mga local farmers upang agad na ma-disposed ang kanilang mga produkto.

Dito ay makabibili ng sari-saring sariwang gulay, prutas, organic products at sariwang isda.

Bukas ito mula alas -8:00 ng umaga hanggang ala- 5:00 ng hapon.

Belle Surara

Please follow and like us: