Fully vaccinated laban sa COVID-19 sa CALABARZON, nasa 278,000 na

Aabot na sa mahigit 278,000 indibidwal ang nakatanggap na ng dalawang dose ng bakuna kontra COVID-19 sa CALABARZON.

Sa pinakahuling tala ng COVID-19 Vaccination Data Management Unit ng DOH CALABARZON, kabuuang 278,584 ang nakakumpleto na ng bakuna sa rehiyon.

Ang mga ito ay kabilang mula sa A1 hanggang sa A4 vaccine priority groups.

Pinakamarami sa fully vaccinated ay mga healthcare workers na 101,607.

Sa kabuuan ay umabot na sa 1,167,272 ang nabakunahan sa CALABARZON kasama ang naturukan ng unang dose ng anti-COVID vaccines.

Moira Encina

Please follow and like us: