Fully vaccinated sa Maynila,mahigit 167,000 na

Umabot na sa 638, 427 indibiwal sa Maynila ang nakatanggap na ng unang dose ng COVID- 19 vaccine.

Sa datos ng Manila LGU, ang 167, 861 rito fully vaccinated na.

Sa kabuuan, nasa 806,288 bakuna ang naiturok na sa Maynila.

Samantala, wala munang 1st dose COVID- 19 vaccination ngayong araw sa Lungsod.

Ayon sa Manila LGU, puro 2nd dose vaccination lamang muna ang kanilang isasagawa sa araw na ito.

Para sa mga nabakunahan ng Sinovac Vaccine noong June 9, may 4 na mall sites at 6 na school sites sa bawat Distrito ang itinalaga para sa kanila.

Para naman sa nabakunahan ng Pfizer noong June 16, may 8 site ang itinalaga sa bawat Distrito sa lungsod kung saan sila maaaring magtungo.

Madz Moratillo

Please follow and like us: