Senador Manny Pacquaio, mamamahagi ng financial assistance sa pamilya ng mga sundalong namatay sa pag-crash ng C 130 sa Sulu

Magbibigay ng financial assistance si Senador Manny Pacquaio sa mga sundalo at pamilya nitong nasugatan at namatay sa nangyaring pagbagsak ng C -130 plane sa Patikul Sulu.

Ayon kay Pacquiao, ito’y bilang tulong sa kaniyang mga kapwa sundalo na biktima ng trahedya.

50 thousand pesos ang ibibigay ni Pacquaio sa pamilya ng mga sundalong namatay habang 20 thousand pesos sa mga nasugatan na mula sa kaniyang sariling pondo.

Si Pacquaio ay honorary member ng AFP scout ranger.

Kasabay nito nagpaabot ng pakikiramay ang Senador sa mga pamilya ng aniya’y mga bayani ng sundalo na nasawi.

Meanne Corvera

Please follow and like us: