FVR, kinikilala na ngayong numero unong kritiko ni Pangulong Duterte

Kinikilala na ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang numero unong kritiko si dating Pangulong Fidel Ramos na dating numero unong taga-suporta nito noong panahon ng kampanya.

Ayon sa Pangulo, iginagalang nito ang mga kritisismo ni Ramos, tinatanggap ang kanyang mga payo at handang sundan ang kanyang yapak o naging papel noon bilang Pangulo ng bansa.

Sinabi pa ni Pangulong Duterte, alam niyang pareho lamang ng pagmamahal nila ni Ramos sa bansa pero ang pagkakaiba lamang ay hindi siya taong militar.

Magugunitang si Ramos ay madalas pumuna at bumatikos kay Pangulong Duterte lalo sa kanyang foreign policy na mistulang pang-aaway sa Estados Unidos at sa kanyang pagmumura sa harap ng publiko.

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *