Gawing opsiyonal ang pagsusuot ng facemasks, makakatulong sa pagbangon ng ekonomiya ayon sa mga Senador

Sinusuportahan ng mga Senador ang pasya ng Malacañang na gawin na lamang opsiyonal ang pasusuot ng facemasks sa indoor o loob ng mga gusali at luwagan ang pagpasok ng mga dayuhang turista.

Ayon kay Senador Grace Poe, malaki ang maitutulong nito para sa economic activities at makalikha ng trabaho sa ating mga kababayan.

Mismong ang World Health Organization aniya ang nagsabing nalalapit na ang pagtatapos ng pandemic pero mas mabuti pa ring sumunod sa ipinatutupad na minimum health Protocols.

Kabilang na ang paghuhugas ng kamay at pagpapanatili ng Good Hygiene para makamit ang finish line matapos ang krisis na dala ng pandemya.

Pabor rin si Senador Koko Pimentel na nagsabing dapat matuto na tayong mamuhay kasama ang virus.

Para kay SenaDor Bong Go na Chairman ng Senate Committee on Health, mahalaga pa rin ang disiplina at kooperasyon ng bawat Pilipino para makamit natin ang tagumpay laban sa pandemya.

Apila niya kung hindi naman magiging sagabal sa mga Pilipino, magsuot pa rin ng facemasks lalo na kung may ubo o sipon para hindi na makapanghawa pa.

Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *