Ginang Bautista, hindi maaaring sampahan ng kasong robbery – Atty. Kapunan

 

Hindi maaaring kasuhan ng robbery ni Comelec Chairman ang asawa nitong si Ginang Patricia Bautista.

Ayon kay Atty. Lorna Kapunan, legal adviser ni Ginang Patricia, conjugal property ang mga kinuhang dokumento at salapi ni Paz at kaya nilang patunayan na may mga property si Chairman Bautista na hindi kasama ang pangalan ng asawa nito.

Iginiit din ni Kapunan na hawak ni Chairman Bautista ang mother in law nito kung kayat hindi ito pumanig sa anak na si Ginang Patricia.

Magsasampa rin ng demanda ang kampo ni Patricia sa mga kasabwat ng poll chief para magkamal ng nakaw na yaman.

Hihintayin din nila na maalis sa puwesto si Chairman Bautista sa pamamagitan ng impeachment o resignation bago gumawa ng legal na hakbang.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *