Giyera sa Marawi City, posibleng matapos na sa loob ng 15 araw ayon kay Pangulong Duterte

Posibleng matapos na ang giyera sa Marawi City sa loob ng 15 araw.

Ito ang inihayag ni Pangulong Duterte sa kanyang pagdalo sa 10th listing anniversary ng Phoenix Petroleum Philippines Inc. sa Makati City.

Ayon sa Pangulo, patuloy  siyang nananalig at umaasa na sa loob ng sampu hanggang 15 araw ay matatapos na ang gulo sa lungsod ng Marawi.

Sinabi pa ng Pangulo na naantala lamang ang kaguluhan sa Lungsod dahil na-under estimate ng gobyerno ang dami ng dalang armas at pampasabog ng ISIS-Maute terror group.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *