Granular lockdown, ipinatupad sa 2 kalye sa Brgy. Tunasan, Muntinlupa City

Nagpatupad ng granular lockdown ang Muntinlupa City local government unit, sa Kamagong street at Mahogany street sa Villa Carolina 2 Subdivision, sa Barangay Tunasan.

Bunsod ito ng mabilis na pagdami ng infection sa komunidad.

Kaugnay nito ay mahigpit na binabantayan ng mga pulis ang dalawang nabanggit na kalye, upang makatiyak na walang makalalabas.

Agad namang namahagi ng food boxes ang lokal na pamahalaan, sa mga tahanan na nasa ilalim ng lockdown.

Ang granular lockdown ay tatagal hanggang sa September 8, 2021.

Marina Ferrer

Please follow and like us: