Gregorio Catapang Jr., pormal nang itinalaga ng Malacañang bilang BuCor Director-General

Pormal nang hinirang ng Malacañang si Gregorio Catapang Jr. bilang Director- General ng Bureau of Corrections (BuCor).

Ito ay batay sa isang pahinang appointment paper na may lagda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Si Catapang ay inilagay na officer-in-charge ng BuCor noong Oktubre ng nakaraang taon.

Nagsilbing ika-45 Chief of Staff ng AFP si Catapang mula July 2014 hanggang July 2015.

Nagpahayag naman ng suporta ang DOJ sa bagong hepe ng kawanihan.

Tiniyak ng DOJ na magtutulungan ito at ang BuCor para maipursige ang mga planong proyekto at programa para sa kapakanan at kabutihan ng kawanihan at persons deprived of liberty (PDLs).

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *