Grupo ng mga licensed Recruitment at Manpower agencies, nagpahayag ng suporta kay Labor Secretary Silvestre Bello III

Naghayag ng kanilang suporta  kay Labor Secretary Silvestre Bello III ang ilang samahan ng mga lisensyadong recruitment at manpower agencies sa bansa.

Sa isang pulong balitaan sa Maynila, binasa ng mga pangulo ng halos 150 land-based recruitment agencies ang kanilang manifest of support may Bello.

Ayon kay Thelma Juanang, chairman ng Coalition of Licensed Agencies for Domestic and Service workers Incorporated o CLADS, hindi sila naniniwala na tumanggap ng regalo si Bello kapalit ng pabor dahil sa matagal na nila itong nakakasama sa pagtataguyod ng kapakanan ng mga OFW

Naniniwala ang grupo sa kampanya ng kalihim laban sa kurapsyion.

Katuwang din anila si  Bello sa pagsusulong ng propesyunal na mga recruitment agencies.

Anila bilang mga lehitimong mga ahensya na tumutulong sa mga OFW ay sumusunod sila sa mga panuntunan at patakaran na itinatakda ng batas kasama na ang ang pagiging propesyunal.

Umapela din ang koalisyon ng mga recuitment agencies kay Pangulong Duterte na panatilihin si Bello sa kanyang pwesto bilang Kalihim ng Labor Department.

 

Ulat ni Moira Encina

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *