Grupong Bantay Bigas, tutol sa pag alis ng Rice import quota

Tutol ang isang rice watchdog sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na alisin na ang quota sa pag-aangkat ng bigas sa ibang bansa.

Sinabi ni Cathy Estavillo, spokesperson ng Bantay Bigas,  band aid solution lang ang plano ng pangulo at hindi nito tunay na matutugunan ang kakapusan ng suplay ng bigas.

Dapat aniyang pagtuunan ng  pansin  ang pagpapalakas sa local rice production para maiwasan na ang rice shortage sa hinaharap.

Giit pa ni Estavillo, maaaring magresulta sa pagkalugi ng mga magsasaka sa bansa ang pagtanggal sa Rice quota imports at posible ring  tuluyan na tayong maging rice dependents sa ibang bansa.

 

============

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *