Halos 10 milyong indibiwal sa bansa fully vaccinated na kontra COVID-19

Umabot na sa mahigit 9.8 milyong indibidwal sa bansa ang fully vaccinated na kontra COVID-19.

Ayon kay Testing Czar Sec. Vince Dizon, nasa mahigit 12 milyon naman ang nakatanggap na ng unang dose ng bakuna.

Sa kabuuan, nasa mahigit 21.8 milyong doses ng COVID -19 vaccine na aniya ang naiturok sa bansa.

Pero ang halos 10 milyong fully vaccinated na ito ay 14.04% palang ng target ng gobyerno na mabakunahan upang maabot ang herd immunity.

Kahapon naabot ng bansa ang pinakamaraming bilang ng nabakunahan sa loob ng isang araw na umabot sa 673,652 doses na naiturok.

Madz Moratillo

Please follow and like us: