Mahigit 7 libong bagong kaso ng COVID-19 naitala sa bansa

Umabot na sa 63,171 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa sa kasalukuyan.

Ito’y matapos na makapagtala ang Department of Health ng 7,342 na bagong kaso ng COVID 19 sa bansa, habang 7,285 naitalang bagong gumaling.

May 90 namang naitalang bagong nasawi dahil sa virus, kaya umabot na sa 28,231 parin ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Sa ngayon ay 1,619,824 ang kabuuang naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa habang 1,528,422 naman ang kabuuang bilang ng mga nakarekober na.

Madz Moratillo

Please follow and like us: