Halos 318,000 domestic arrivals at departures sa NAIA, naitala mula Oct. 25-30

Umaabot sa halos 318,000 ang domestic arrivals at departures sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ito ay batay sa pinakahuling monitoring ng Manila International Airport Authority (MIAA) mula October 25 hanggang 30 ngayong taon.

Ang nasabing bilang ay halos kasingdami ng bilang ng domestic passengers sa NAIA sa parehong panahon noong 2019 o bago ang pandemya na halos 379,000.

Samantala, nasa 217,959 naman ang naitala ng MIAA na international arrivals at departures sa paliparan sa mga parehong petsa ngayong 2022.

Wala namang flight cancellations sa NAIA nitong Martes ng umaga.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *