Hatol kay Retired Major General Jovito Palparan, patunay umano na kahit matagal ay makakamit ang hustisya – Justice Se.c Menardo Guevarra

Matagal man daw makamit ang hustisya pero darating at darating ito.

Ito ang reaksyon ni Justice Secretary Menardo Guevarra sa hatol na guilty ng Malolos RTC laban kay retired Major General Jovito Palparan kaugnay sa kasong kidnapping at illegal detention sa dalawang UP students na sina Karen Empeño at Sherlyn Cadapan.

Inabot ng 12 taon ang kaso ni Palparan mula nang dukutin sina Empeño at Cadapan noong 2006.

Ayon kay Guevarra, dapat magtiwala na makakamit ang hustisya kahit matagal ang proseso.

Ang DOJ ang nagsulong ng kaso kidnapping at illegal detention laban kina Palparan at mga kapwa akusado nito na sina Lt. Col. Felipe Anotado at Staff Sergeant Edgardo Osoria.

Hinatulan ng Korte ng habambuhay na pagkakabilanggo sina Palparan.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *