Health Secretary Duque, inaprubahan na ang rekomendasyon para sa booster shot ng mga menor de edad

Inaprubahan na ni Health Sec. Francisco Duque III ang rekumendasyon ng Health Technology Assessment Council na bigyan narin ng booster dose ng COVID- 19 vaccine ang mga nasa edad 12 hanggang 17 anyos.

Ayon kay Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire , sa ngayon binubuo na ang guidelines para rito.

Sa oras na matapos, agad aniya itong ilalabas sa lalong madaling panahon.

Sa ngayon ang mga pwede palang sa 1st booster shot ay mga nasa edad 18 pataas.

Habang sa 2nd booster naman ay mga immuno compromised, Senior citizen at Health workers.

Madelyn Villar- Moratillo

Please follow and like us: