Press working at Briefing room sa Malakanyang, muling binuksan sa media
Matapos ang mahigpit dalawang taon dahil sa restrictions dulot ng pandemya ng COVID-19 muling binuksan sa mga miyembro ng Malakanyang Press Corps o MPC ang press working area at briefing room sa New Executive Building sa Malakanyang Complex.
Sa pagbabalik ng MPC sa Malakanyang ay nagkaroon ng pagbabago dahil habang naka-lockdown ay isinailalim sa renovation ang press working area nilagyan ng mga health safety equipment dahil patuloy parin ang banta ng COVID 19.
Kasabay ng inauguration ng bagong press working area ay nanumpa ang mga opisyal ng Malakanyang Press Corps na nahalalal noon pang 2020 na hindi nakapanumpa dahil sa lockdown na ipinatupad dulot ng pandemya ng COVID 19.
Ang mga nanumpa ay kinabibilangan nina Evelyn Quiros ng Pilipino Mirror bilang President, Alexis Romero ng Philippine Star bilang Vice President for Print, Maricel Halili ng TV5 bilang Vice President for TV, Chona Yu ng Radio Inquirer bilang Vice President for Radio, Jocelyn Montemayor Reyes ng Malaya bilang Secretary, Kris Jose ng Remate bilang Treasurer, Pia Rañada ng Rappler bilang Auditor, Cathy Valente ng Manila Times at Vic Somintac ng Radyo Agila Net 25 bilang Sergeant at Arms.
Sinabi ni Secretary Andanar na ang muling pagbubukas ng press working area at briefing room ay bahagi ng paghahanda sa pagpasok na ng bagong administrasyon ni President Elect Ferdinand Bongbong Marcos Jr. sa June 30.
Ayon kay Andanar hinihintay pa ng Malakanyang ang pinal na guidelines ng inauguration coverage mula sa kampo ni President Elect Ferdinand Bongbong Marcos Jr.
Inihayag ni Andanar na babalik na siya sa private sector pagkatapos ng Duterte administration at mamimiss niya ang kanyang trabaho bilang kalihim ng Presidential Communications Operation Office o PCOO at pagiging Presidential Spokesperson.
Vic Somintac