Henry Sy Sr pinakamayamang tao sa Pilipinas – Forbes Asia

Nangunguna sa pinakamayamang tao sa Pilipinas si Henry Sy Sr. para sa taong 2017.

Sa listahang inilabas ng Forbes Asia sa 2017, lumobo sa 18 bilyong dolyar ang net worth ni Sy ang may-ari ng SM Investments Corporation.

Mas malaki ito ng 4.3 bilyong dolyar mula sa kanyang net worth noong 2016 na aabot sa 13.7 bilyong dolyar.

Ang net worth ni Sy ay tatlong beses na mas malaki sa net worth ng pangalawa sa listahan na si John Gokongwei na may-ari ng Robinsons Malls at Cebu Pacific na aabot sa 5.5 bilyong dolyar.

Ayon pa sa Forbes , umakyat sa pangatlo si Enrique Razon Jr, may-ari ng Solaire Resort and Casino at itinuturing na isa sa mga pinakabatang bilyonaryo sa buong mundo.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *