Higit 100 litro ng industrial fuel oil nahigop na mula sa lumubog na MT Princess empress

Patuloy parin ang ginagawang paghigop ng langis ng DSV Fire Opal sa natitirang langis mula sa lumubog na MT Princess Empress.

Sa report ng Incident Management Team-Oriental Mindoro sa Philippine Coast Guard, nasa 125 litro na ng industrial fuel oil ang nakolekta mula sa tangke ng barko.

Ang 50 liters ay sa cargo oil tank na nasa starboard ng barko at sa isang tangke naman may nakuhang 75 liters.

Inaalam pa naman kung may laman pang langis sa 2 pang tangke.

Nasa 120 hanggang 240 libong litro pa mula sa 800 libong litro ng karga nitong Industrial Fuel oil ang inaasahang natitira sa barko.

Target matapos ang siphoning operation sa loob ng 20 hanggang 30 araw.

Madelyn Villar – Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *