Higit 20 milyong doses ng Covid-19 vaccines sa bansa, naibakuna na

Nasa kabuuang 20,863,544 doses ng iba’t-ibang bakuna kontra Covid-19 ang naiturok na sa mga mamamayan hanggang nitong August 1, 2021.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, nasa 11,747,581 mamamayan na ang nakatanggap na ng first dose habang nasa 9,115,963 na ang fully vaccinated.

Ngayong araw, August 2 ay inaasahang darating sa bansa ang nasa 3 milyong doses ng Moderna vaccine na donasyon ng Amerika sa Pilipinas.

Please follow and like us: