Higit 4 milyong halaga ng shabu, nasabat sa Tawi-Tawi

Kabuuang 4.76 milyong pisong halaga ng shabu ang nasabat sa Tawi-Tawi.

Ayon sa Philippine National Police at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), arestado rin sa buy-bust operation ang tatlong suspek na kinilalang sina Hassan Anggie Hawaan, 30; Mannan Nusuri Muhadi, 48; at Mudzna Anggie Hawaan, 42 anyos.

Mlaiban sa 14 pakete ng shabu na may bigat na 700 gramo, nasabat din sa mga suspect ang dalawang ID at dalawang cellphones.

Nakakulong na ang mga ito sa Bongao Municipal Police Station at nahaharap sa kasong kriminal.

Please follow and like us: