Higit 42 percent ng mga pulis, fully vaccinated na kontra Covid-19

Nasa kabuuang 42.19 percent na ng police personnel ang nakakumpleto na ng bakuna kontra Covid-19 habang nasa 47 percent naman ang nakatanggap na ng unang dose.

Sa datos ng PNP Health service, hanggang August 26, nasa kabuuang 93,725 na mga pulis ang fully vaccinated na at nasa 104,562 naman ang naghihintay ng kanilang second dose.

Nasa 23,845 or 10.73 percent na lamang sa kanilang ang hindi pa nababakunahan.

Samantala, ngayong araw, nakapagtala ang PNP ng isa pang pumanaw dahil sa Covid-19.

Ayon sa PNP, isang 34-anyos na pulis na naka-assign sa National Support Unit ang pumanaw.

August 25 nang pumanaw ito dahil sa Pneumonia at acute respiratory failure secondary to Covid-19.

Sa ngayon, nasa 102 na ang death toll sa PNP.

Ngayong araw din, nakapagtala ang PNP ng karagdagang 136 Covid-19 cases kaya umakyat na sa 33,826 ang kabuuang kaso na may 1,750 active cases.

Umakyat naman sa 31,974 ang kabuuang mga gumaling matapos makapagtala ng karagdagang 172 bagong mga gumaling.

Please follow and like us: