Maynilad, may water interruption sa ilang lugar sa QC at Caloocan city mula Aug. 31 – Sept. 1

Nag-anunsyo ang Maynilad water services na magkakaroon ng water interruption ang ilang lugar sa Caloocan City at Quezon City dahil sa isasagawang network maintenance activities.

Dahil sa nasabing aktibidad, pansamantalang mawawalan ng tubig ang ilang lugar sa Caloocan at Quezon City mula 3:00 ng hapon sa August 31, 2021 (Martes) hanggang 6:00 ng umaga sa September 1, 2021 (Miyerkules).

Kabilang sa mga apektadong lugar sa Caloocan city ay ang Barangays 167 hanggang 178.

Habang sa QC naman ay mga Barangay Kaligayan, Pasong Putik at San Agustin.

Tiniyak naman ng Maynilad na nakahanda ang kanilang water tankers para mag-deliver ng malinis na tubig sa mga apektadong customer kung kinakailangan.

Pinayuhan din ang mga residente na pagbalik ng water service, hayaan munang dumaloy ang tubig nang panandalian hanggang sa luminaw ito.

Please follow and like us: