Higit 469,000 doses ng Moderna vaccine na binili ng gobyerno at private sector, dumating sa bansa ngayong hapon

237456316_4860678717326093_8579730320752327699_n

Dumating na sa bansa ngayong hapon ang nasa kabuuang 469,200 doses ng Moderna Covid-19 vaccine.

Ang mga bakuna ay lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 lulan ng Singapore Airlines.

Sinalubong ito ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. at ilang opisyal ng National Task Force Against COVID-19.

Ang 150,000 doses ng bakuna ay mapupunta sa pribadong sektor ng International Container Terminal Services, Inc. (ICTSI).

Please follow and like us: