Dating pangulong Rodrigo Duterte handang magpa-aresto kung mag-iisyu ng warrant ang ICC

Former Philippine president Rodrigo Duterte delivers a speech during the proclamation rally for his political party PDP-Laban's senatorial candidates ahead of the midterm elections, at Club Filipino in San Juan, Metro Manila, Philippines, February 13, 2025. REUTERS/Eloisa Lopez/File Photo
Sinabi ni dating pangulong Rodrigo Duterte na nakahanda siya sa posibleng pag-aresto sa kaniya, sa gitna ng mga ulat na naghahanda ang International Criminal Court (ICC) na mag-isyu ng warrant kaugnay ng kaniyang “war on drugs” na ikinamatay ng libong katao.
Ang “war on drugs” ang signature campaign policy na nagluklok kay Duterte sa kapangyarihan noong 2016 bilang isang “maverick, crime-busting mayor,” na tinupad ang kaniyang mga pangako sa kaniyang mga talumpati na papatayin ang libu-libong narcotics dealers.
Sa pahayag ng tanggapan ng kasalukuyang Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., nakasaad na wala pa silang natatanggap na opisyal na komunikasyon mula sa Interpol, ngunit nagbigay ng indikasyon na maaring isuko nila si Duterte.
Sinabi ni Presidential Communications Undersecretary Claire Castro sa mga mamamahay, “Our law enforcers are ready to follow what law dictates, if the warrant of arrest needs to be served because of a request from Interpol.”
Hindi rin agad malinaw kung gaano magtatagal si Duterte sa Hong Kong.
Si Duterte ay nagsalita sa isang campaign rally sa downtown Southorn Stadium sa Hong Kong na dinaluhan ng libu-libong manggagawang Pilipino, na inaasahang susuporta sa senatorial candidates sa paparating na midterm elections sa Pilipinas.
Sa kaniyang talumpati ay sinabi ni Duterte, “Assuming it’s (warrant) true, why did I do it? For myself? For my family? For you and your children, and for our nation. If this is truly my fate in life, it’s okay, I will accept it. They can arrest me, imprison me. “What is my sin? I did everything in my time for peace and a peaceful life for the Filipino people.”
Kasama ng dating pangulo ang anak na si Viice President Sara Duterte.
Hindi naman agad na tumugon ang security bureau at pulisya ng gobyerno ng Hong Kong nang hingan ng komento, tungkol sa sinabi ng isang saksi mula sa Reuters, na isang elite Hong Kong police unit na nagbibigay ng proteksiyon sa mga VIP, ang nakadeploy sa bisinidad ng hotel kung saan naroon si Duterte.
Dinismis naman ng presidential office sa Pilipinas ang mga espekulasyon, na maaaring tinatakasan ni Duterte ang batas sa pamamagitan ng pagbisita sa Hong Kong na hindi parte ng ICC, at umapela sa mga supporter nito na payagang umiral ang legal na proseso.
Sa ginanap na pagdinig noong isang taon kaugnay ng madugong crackdown ng Duterte administration sa droga, ay sinabi ng dating pangulo na hindi siya natatakot sa ICC at sinabihan pa ito na “bilisan” ang kanilang imbestigasyon.
Matatandaan na sa panahon g kaniyang panunungkulan ay kumalas ang Pilipinas mula founding treaty ng ICC noong 2019, nang simulan nitong mag-imbestiga sa mga alegasyon ng “systematic extrajudicial killings.”
Kailan lang, ay nagpahiwatig ang Pilipinas na handa itong makipagtulungan sa imbestigasyon sa ilang mga isyu.