Higit 5,000 bagong kaso ng Covid-19 at higit 6,000 nakarekober, naitala ngayong Lunes ng DOH

Nakapagtala ang Department of Health ng 5,392 karagdagang kaso ng COVID-19.

Samantala, mayroon namang naitalang 6,477 na gumaling at 43 na pumanaw.

Dahil dito, pumalo na sa 1,441,746 ang kabuuang kaso ng Covid-19 sa bansa na may 51,594 aktibong kaso.

Umabot naman sa 1,364,960 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober habang ang death toll ay naitala sa 25,192.

Please follow and like us: