Higit 60 milyong pisong halaga ng shabu, nasabat sa Muntinlupa city; 2 suspect patay

photo from PNP

Umaabot sa 10 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng 68 milyong piso ang nasabat sa anti-illegal drugs operation na isinagawa kagabi sa Katarungan Village 1, Muntinlupa City.

Napatay din sa anti-drug operation ang dalawang suspect na kinilalang sina Jordan Sabandal Abrigo at Jayvee de Guzman matapos makipagbarilan sa mga otoridad.

Ang joint operation ay pinangunahan ng Philippine Drug Enforcement Agency NCR, Special Operation Unit 16 (NCR), Police Regional Office 6 Regional Intelligence Division, NCRPO-RID-RSOG-RDEU, Muntinlupa City Police Station, NCR Southern Police District at Bureau of Customs CIIS.

Please follow and like us: