Higit 700,000 halaga ng shabu, nasabat sa Cavite

Nasa kabuuang 714,000 pisong halaga ng shabu na may 105 gramo ang bigat ang nasabat mula sa isang babaeng residente ng Bacoor, Cavite.

Nadakip ng Special Operations Unit-4A (SOU 4A) ang suspect na si Analyn Rastulo Dela Cruz, 36 anyos at residente ng No. 415 Barangay Miape Longos, Zapote 5, Bacoor, Cavite.

Habang nakatakas naman ang isang nagngangalang Ricky Castillo.

Nasa kustodiya na ng SOU 4A ang mga nakumpiskang mga ebidensiya.

Nahaharap naman sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspect.

Please follow and like us: