Higit 90,000 recovered cases sa Covid-19, naitala ng QC

Nasa 95.6 percent na o katumbas ng 90,330 residente na ng Quezon City ang gumaling mula sa Covid-19.

Sa datos ng QC Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU), mula sa 94,454 kabuuang bilang ng nagpositibo sa lungsod, nasa 3,028 ang aktibong kaso.

Naitala naman sa 1,026 ang death toll sa lungsod dahil sa virus infection o katumbas ng 1.2 percent ng populasyon ng lungsod.

Please follow and like us: