Jail infirmary sa Tanza Cavite, binuksan na sa publiko

Binuksan na sa publiko ng Tanza Cavite Municipal Gov’t ang kanilang Jail Infirmary.

Courtesy: Tanza BJMP

Layon ng naturang pasilidad na maiwasan ang magkahawahan ng sakit sa mga Persons Deprived of Liberty (PDL) na nasa loob ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa kanilang lugar.

Ang nasabing pasilidad ay mayroong dalawang kwarto na may hospital beds, oxygen tanks, at comfort rooms ang naturang infirmary na para sa mga PDL na may sakit.

Target rin ng Tanza, Cavite LGU na mabigyan ng bakuna ang nasa 700 PDL sa kanilang bayan upang maproteksyunan laban sa COVID-19.

Jet Hilario

Please follow and like us: