Higit P400,000 halaga ng shabu nasamsam sa Cebu City buy-bust; 2 arestado

Higit P400,000 halaga ng shabu ang nasamsam sa isang buy-bust operation sa Cebu City.

Ayon sa Philippine National Police said (PNP), naaresto rin sa naturang operasyon sa Barangay Labangon sina Romenor Piañar Villamor alias Meno, at Charisse Kristine Madrid, 26.

Narekober mula sa mga suspek ang 13 sachets ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P442,000.

Sinabi ni PNP officer-in-charge Lt. Gen. Vicente Danao, magpapatuloy ang pulisya sa walang humpay na pagsisikap sa anti-illegal drugs operation, sa pamamagitan ng pag-aresto sa mga nagbebenta ng ilegal na droga sa bansa at pagkumpiska sa mas marami pang ilegal na mga droga.

Ayon sa PNP, ang mga suspek at ang nerekober na mga ebidensiya ay nasa kustodiya na ng pulisya.

Please follow and like us: