Voter registration sa Maynila gagawin narin sa mga mall

Mas madali at komportable na ang Voter registration sa Maynila.

Ito ay matapos maglagay na ang Commission on Elections ng satellite registration sa ilang malls sa lungsod.

Layon nitong maresolba ang problema sa napakahabang pila ng mga nagpaparehistro sa tanggapan ng Comelec sa Arroceros, Maynila.

Batay sa abiso ng Comelec, ang satellite registration schedule para sa 1st at 4th district sa Maynila ay gagawin sa SM Manila mula July 7 hanggang 23.

Ang mga taga 5th district naman, sa Robinsons Place Manila.

Ang mga taga 6th district naman, sa Robinsons Otis.

Habang ang mga taga 3rd District ay sa Lucky Chinatown Mall mula July 11 hanggang 16 at lilipat naman ng SM San Lazaro mula July 18 hanggang 23

Ang voter registration sa mga nabanggit na malls ay mula Lunes hangggang Sabado, kahit holiday mula 8:00 am hanggang 5:00 pm.

Madelyn Villar-Moratillo

Please follow and like us: