Hiling ni Napoles na mailipat ng kulungan, kinatigan ni Justice Sec. Aguirre

Payag si Justice Secretary Vitaliano Aguirre sa kahilingan ng tinaguriang pork barrel scam queen na si Janet Napoles na mailipat siya sa NBI detention center sa Maynila mula sa correctional institution for women sa lungsod ng Mandaluyong.

Sinabi ng kalihim na hindi na isang convicted prisoner si Napoles kaya dapat siyang tanggalin sa kulungan ng Bureau of Corrections.

Pabor din siya sa pag-transfer kay Napoles ng piitan dahil sa sinasabi nitong banta sa kanyang buhay sa Women’s Correctional.

Si Napoles ay inabswelto ng Court of Appeals sa kasong serious illegal detention pero mananatiling nakakakulong dahil sa mga kaso laban sa kanya sa PDAF anomaly.

Sa liham ng abogado ni Napoles na si Stephen David kay Aguirre,  sinabi  na nais nitong mailipat ang kanyang kliyente sa NBI detention para sa plano ng DOJ na gawin itong state witness sa pork barrel case.

Kaugnay nito, nakipagpulong ngayong huwebes si Atty. David kay Aguirre kung saan tinalakay ang posibilidad na maging state witness si Napoles

Nakasalalay naman sa Sandiganbayan kung saan ikukulong  si Napoles.

Ulat ni: Moira Encina

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *