Hirit ng DOJ na mai-consolidate ang tatlong kasong illegal drugs ni Sen. de Lima, ibinasura ng Muntinlupa RTC

Ibinasura ng Muntinlupa Regional Trial Court ang hirit ng Department of Justice na mai-consolidate ang tatlong kasong may kaugnayan sa iligal na droga na isinampa laban kay Senadora Leila de Lima.

Sa desisyon ni Muntinlupa RTC Branch 204 Judge Juanita Guerrero, sinabi nito na walang basehan para i-consolidate ang mga kaso.

Kabilang sa kasong isinampa laban kay de Lima ang umanoy pagkakasangkot para sa pagpapakalat ng illegal drugs sa New Bilibid Prison.

Si de Lima ang sinasabing protektor ng mga drug lords kapalit ng milyun milyong pisong pondo para sa kanyang kandidatura noong tumakbo itong senador noong 2016.

Bukod sa Branch 204, si de Lima at may kinakaharap na kaso sa branch205 at 206 ng Muntinlupa RTC.

Ulat ni: Mean Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *