House Speaker Alvarez inupakan ni Sen. Trillanes sa pagdadawit kay VP Robredo sa destabilisasyon

Inupakan ni Senador Antonio Trillanes si House Speaker Pantaleon Alvarez matapos idawit si Vice President Leni Robredo sa destabilisasyon at impeachment case laban kay Pangulong Duterte.

Ayon kay Trillanes, walang kinalaman si Robredo sa pagsasampa ng kaso at itoy sariling desisyon ng Magdalo group.

Hindi rin aniya dapat idawit ang bise presidente sa mga bantang destabilisasyon na dulot lamang umano ng imahinasyon ng gobyerno

Humahanap lang ng masisisi ang mga kaalyado ng Pangulo dahil wala umanong mailabas na ebidensya para patunayang inosente ito sa mga alegasyon laban sa kanya.

Nanindigan naman si Trillanes na may basehan ang kaso laban sa Pangulo lalo na ang kaso ng high crimes dahil sa umano’y utos na pagpatay sa mga hinihinalang sangkot sa drug operations.

Ulat ni : Mean Corvera

Please follow and like us: