House-to-house anti-rabies vaccination, inilunsad ng Taguig City

Muling inilunsad ng pamahalaang lungsod ng Taguig sa tulong ng City Veterinarian at City Health Office, ang house-to-house anti-rabies vaccination at libreng kapon para sa mga alagang hayop ng mga Taguigenyo.

Higit 120 mga aso at pusa ang nabigyan ng anti-rabies vaccination, sa Barangay Lower Bicutan.

Personal na pinangunahan ni Kagawad Jonathan Cuevas ang paghikayat sa mga residente na samantalahin ang libreng bakuna at pakapon para sa kanilang mga alaga.

Samantala, magpapatuloy ang schedule ng house-to-house anti-rabies at libreng kapon sa Barangay New Lower Bicutan hanggang sa July 14.

Ulat ni Virnalyn Amado

Please follow and like us: