Reklamo sa illegal vendors sa Agora Market sa Navotas City, inaksiyunan

Malimit ay nagiging sanhi ng pagbagal o pagbigat sa daloy ng trapiko at nagiging abal rin ng abala sa sidewalk na daanan ng mga residente at mamimili, ang mga ang illegal vendor.

Ito ang mga sumbong na mabilis na inaksyunan ng pamunuan ng Barangay Nbbs Kaunlaran, sa Lungsod ng Navotas.

Sa pangunguna ng Punong Barangay na si Edralyn “Kapitan Essay” Abella, ay agad na nagsagawa ng clearing operation sa Agora Market, Apahap St., at Bangus St., sa tulong na rin ng TFD Team ng lungsod.

Ulat ni Aldrin Puno

Please follow and like us: