Hukom na nagbasura sa kaso ng fraternity members ng San Beda, sinibak ng SC
Sinibak ng Korte Suprema ang hukom na nagbasura sa kaso laban sa fraternity members na akusado sa pagkamatay dahil sa hazing ng San Beda College of Law student na si Marc Andrei Marcos.
Pinatawan ng dismissal ng Supreme Court En Banc sa botong 12-0 si Cavite RTC Judge Perla Cabrera-Faller dahil sa kasong gross ignorance of the law at paglabag sa ilang probisyon ng Canon 3 ng Code of Judicial Conduct.
Iniutos din ng Korte Suprema ang pagbawi sa retirement benefit at leave credit ni Faller at bawal na siyang pumasok sa alinmang tanggapan ng gobyerno.
Ang kaso laban kay Faller ay nag-ugat sa administrative case na inihain ng lolo ng biktima na si Retired Judge Martonino Marcos matapos na ibasura nito ang kaso, bawiin ang arrest order sa mga akusado at ipa-archive agad ang kaso
Ayon sa Korte Suprema, nagpakita si faller ng kawalan ng sapat na kaalaman sa rules of procedure o kaya ay may kinikilingan nang kanyang iutos ang agarang pag-archive sa kaso kahit hindi pa lumalagpas ang anim na buwan para sa pagsusumite ng ulat ng mga otoridad na malabong maaresto ang mga akusado.
Isa ring grave abuse of authority anila ang pagbawi ni Faller sa arrest warrant na aniya ay kanyang ipinalabas nang hindi sinasadya at ang utos niya na ibasura sa kaso.
Ulat ni :Moira Encina