Hustisya sa mga namatay na mangingisda sa Bajo de Masinloc ipinanawagan ng Senado

Pinapananagot ng mga Senador ang foreign vessel na bumangga sa fishing boat ng mga mangingisdang pinoy sa Bajo de Masinloc na ikinasawi ng tatlo.

Anila dapat mabigyan ng hustisya ang mga mangingisda na nagmistulang biktima ng hit-and-run ang tatlong mangingisdang pinoy na namatay matapos banggain ang kanilang bangka.

Ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri, nakakagalit ang sinapit ng mga mangingisda na naghahanapbuhay lang naman sa karagatan

Itinulad ni Zubiri sa hit and run ang ginawa sa mga mangingisda na pinabayaan matapos sinadyang banggain ang kanilang bangka

Kailangan aniyang managot ang gumawa nito at habulin ang kumpanya na may ari ng oil tanker na Pacific Anna.

There are laws, being under our EEZ there are certain laws reckless imprudence parang hit and run yan, even homicide can be filed. Pinabayaan, may clear intent na gawin charge can be filed. Also we have to ask for indemnity para sa tatlong pamilya dapat bigyan financial assistance.” pahayag ni Senate President Juan Miguel Zubiri

Kinondena ng mga Senador ang naturang insidente at iginiit na ang Bajo de Masinloc ay bahagi ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas at dapat malaya at ligtas na makapangisda ang mga kababayang Pinoy.

“Under UNCLOS there are several provisions there. May code of conduct extend assistance to those in need. Mukhang nilagpasan lang sila. Di basta basta madisregard mo na may nabangga. People screaming sumisigaw sila ng saklolo. Kung di tumigil disregard of human life and human law.” Paliwanag pa ni Zubiri.

Para kay Senador Francis Tolentino, katunayan ito na kulang ang proteksyon para sa mga mangingisdang Pinoy.

Bukod sa Philippine Coast Guard, dapat paigtingin rin ang pagpapatrulya ng mga tauhan ng PNP maritime group ayon kay Tolentino.

Pero ang nakakalungkot ayon sa Senador, wala sa dagat ang mga pulis sa halip nasa kampo Crame

Tayo maritime command nasa Crame we increase the budget of the PNP – Maritime command and including the establishment of base headquarters somewehe in Zambales, Palawan oil spill always occur. Dapat nasa dagat sila, sila hindi nasa EDSA minsan lang bumaha.” pahayag ni Senador Francis Tolentino

Nais ni Tolentino na bigyan ng dagdag na pondo ang PNP maritime para makapagtayo ng headquarters malapit sa dagat dahil bahagi naman ng kanilang mandato ang magpatrolya sa territorial waters, enforcing navigation at pollution control.

Dapat aniya kasama ang PNP maritime sa mga nag-iimbestiga ngayon sa tunay na nangyari sa mga mangingsidang pinoy sa Scarborough Shoal

Hindi rin aniya dapat mga rubber boat at speed boat lang ang kanilang minamantina kundi malalaking barko para protektahan ang teritoryong sakop ng Pilipinas

They will be part of investigation collision ramming kasali ang maritime command they will assist malapit sa Bajo de Masinloc tatlo namatay. Chairman appropriate time creating realistic based Headquarters dapat nasa malapit lang sila sa dagat sa Camp Crame San Juan river dapat magkaroon ng sariling headquarters, malalaking barko ang marimtime command enough to patrol territorial waters.” patuloy pa na pahayag ni Tolentino.

Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *