Hypertension at Cevical Cancer test, ipinagkakaloob ng libre ng DOH

Lalong pinaiigting ng Department of Health ang kampanya sa paghihikayat sa mga kababaihan na edad bente uno hanggang sisentay’singko na sumailalim sa libreng cervical cancer at hypertension tests na ibinibigay ng ibat’ibang health facilities sa buong bansa.

Ayon sa DOH, pinapayuhan ang mga kababaihan na sumailalim sa naturang mga pagsusuri upang maaga  at maagap na matukoy  sa posibleng sakit.

Ang Cervical Cancer ay dulot ng human Papilloma Virus o HPV na nagiging sanhi ng impeksyon.

Batay sa mga eksperto, karaniwan itong naipapasa  sa pamamagitan ng sexual contact.

Samantala, mahalagang maiwasan ang pagkain ng labis na  maaalat  na pagkain upang hindi maging hypertensive.

Ulat ni: Anabelle Surara

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *