IATF bukas sa mungkahing gawing 100 percent ang pagpasok sa workplace

Bukas ang Inter- Agency Task Force o IATF sa proposal ni Presidential Adviser on Entrepreneurship Joey Concepcion na dagdagan na ang capacity sa mga work place.

Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na maaaring ikonsidera ang panukala ni Concepcion kapag nabakunahan na ang 80 percent ng mga empleyado sa isang kumpanya.

Ayon kay Roque, handang pag-usapan ng IATF ang pagdaragdag sa work capacity ng hanggang 100 percent para makabangon na ang buhay at kabuhayan ng mga negosyante at manggagawa.

Inihayag ni Roque makabubuting gumawa ng formal request si Concepcion sa IATF.

Sa kasalukuyan ay wala pang establisyemento na may bakunado ng mga empleyado nasa 80 percent.

Vic Somintac

Please follow and like us: