Panibagong oil price hike, ipatutupad bukas, July 20

Asahan ang muling pagtaas sa halaga ng mga produktong petrolyo ngayong linggo.

Ito na ang ikawalong sunod na linggo na tuluy-tuloy na pagtaas ng mga kumpanya ng langis.

Ayon sa ilang oil industry player, 30 hanggang 40 sentimos ang magiging dagdag presyo sa bawat litro ng diesel .

10 hanggang 20 sentimos naman ang posibleng maging umento sa bawat litro ng premium at unleaded gasoline.

Ipatutupad ng karamihan ng mga kumpanya ng langis ang price hike bukas, Martes, July 20 ng alas -6:00 ng umaga.

Please follow and like us: