Iba pang kaso ng variant ng COVID-19 naitala sa bansa

Bukod sa mga bagong kaso ng Delta variant, may nakita pang mga bagong kaso ng iba pang variant ng COVID-19 sa bansa.

Ayon sa Department of Health, may 264 pang bagong kaso ng Alpha variant ang natukoy sa ginawang sequencing ng Philippine Genome Center.

Sa kabuuan, umabot na sa 1,481 ang Alpha variant cases sa bansa.

Sa bilang na ito, 20 nalang ang aktibong kaso, nakarekober naman ang 1,403, habang nasawi ang 53.

May 299 Beta variant cases naman ang nadagdag.

Sa kabuuan, umabot na sa 1,685 ang kaso ng Beta variant sa bansa.Ang 21 rito ay aktibong kaso, nakarekober naman ang 1,615, nasawi naman ang 47.

May 55 bagong Theta variant rin ang naitala sa bansa.

Sa kabuuan, may 166 Theta variant ang naitala sa bansa, pero 1 nalang ang aktibong kaso rito, ang 163 ay nakarekober na habang 2 ang nasawi.

Pero ang Theta variant na unang natukoy sa Pilipinas ay inalis na sa listahan ng Variant of interest ng World Health Organization.

Madz Moratillo

Please follow and like us: