Iba pang kumpanya ng langis, nagpatupad ng rollback ngayong araw

download
courtesy of wikipedia.org

Muling nagpatupad ng rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis.

Nagbawas ng hanggang 35 centavos sa presyo ng Gasolina ang mga kumpanyang Jetti, PTT, Petron, Seaoil, Eastern Petroleum, Flying V, Shell at Phoenix.

Epektibo alas-6:00 ng umaga ngayong araw nag-rollback ang mga naturang kumpanya, maliban sa Flying V na nagsimula na kanina pang hatinggabi, at ang Phoenix na kahapon pa nagpatupad.

Nagkaltas din ng 20 centavos sa presyo ng kada litro ng Diesel ang naturang  mga kumpanya.

Samantala, nagkaltas rin ng 20 centavos sa kada litro ng Kerosene ang Petron, Shell, Seaoil, at Flying V.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *